Ayon kay Syjuco, ang "Career Caravan" ay magbibigay ng panibagong oportunidad sa mga kabataang nag-aaral at gustong makapag-aral sa Caloocan at mga karatig na lugar. Ipapaliwanag din ng Tesda ang tungkol sa "Ladderized Education Program" na isinusulong ng administrasyong Arroyo na inaasahang magiging tulay patungo sa mas magandang sistema na edukasyon at ekonomiya ng bansa.
Isa pang biyaya ng nabanggit na caravan ay ang pagsasagawa ng ibat-ibang aktibidad na maghahanda sa mga mamamayan na humanap ng angkop na trabaho para sa kanila.