Cayetano tinuluyan ng Ethics
November 8, 2006 | 12:00am
Tinuluyan kahapon ng House Ethics committee si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano matapos tanggapin ang reklamong inihain ni First Gentleman Mike Arroyo, anak nitong si Pampanga Rep. Mikey Arroyo, at Datu Arroyo, at kapatid na si Negros Oriental Rep. Ignacio Arroyo.
Ayon sa komite na pinamumunuan ni Bohol Rep. Roberto Cajes, "sufficient in form and substance" ang reklamong inihain laban kay Cayetano na nag-ugat sa ginawa nitong pagbubunyag na may multi-million dollar account ang pamilya Arroyo sa Munich, Germany.
Si Cayetano ay inirereklamo ng improper conduct, disorderly behavior at unparliamentary conduct ng mga Arroyo. Nanaig ang "yes vote" na nakakuha ng botong 33 kontra 10 na nagsasabing may porma ang nabanggit na reklamo.
May limang araw ang komite para ipaabot kay Cayetano ang ginawang pagtanggap sa reklamo at kailangan niya itong sagutin sa loob ng 10 araw. Handa naman si Cayetano na sagutin ang reklamo at harapin ang mag-aamang Arroyo. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest