Piso kada litro sa gasoline at kerosene ang ibinawas ng major at small oil players habang 50 sentimos naman sa kanilang diesel. Nagtapyas din ng 50 sentimos kada kilo o P5.50 kada 11 kg na tangke ng LPG.
Ayon sa mga kompanya ng langis, kung patuloy pa ang ganitong trend sa susunod na linggo ay posibleng isa pang rollback ang kanilang ipatupad upang huwag ng dumagdag pa sa mga gastusin sa nalalapit na kapaskuhan. (Edwin Balasa)