OFW tsinap-chop sa Israel
November 7, 2006 | 12:00am
ROSARIO, Batangas Naglaho ang magandang pangarap sa buhay ng isang Filipina caregiver nang matagpuang patay at putol-putol ang katawan nito sa loob ng isang basurahan malapit sa kanyang dormitoryo sa bayan ng Haifa, Israel noong Sabado ng umaga.
Kinilala ni OWWA deputy administrator Angelo Jimenez, ang biktima na si Michelle Alunsagay Jamias, 30, at residente ng Barangay Pinagsibaan sa bayang ito.
Ayon sa report ng OWWA, natagpuan ang putol-putol na katawan ni Jamias ng isang kapitbahay na Israeli habang nakasilid sa isang plastic bag at nakalagak sa isang basurahan malapit sa dormitory nito sa Ibn Sina St. Hifa, Israel bandang ala-1:30 ng umaga.
"Maaring pinatay siya ng mas maaga pa bago natagpuan ang kanyang katawan ng kanyang kapitbahay", sabi ni Jimenez sa PSN.
Ani Jimenez wala pa umano silang natatanggap na impormasyon kung sino ang nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay sa biktima at ang motibo ng mga ito.
Ayon naman kay Feliza Alunsagay, nanay ni Michelle, nasabihan umano sila ng mga opisyal ng OWWA na isa umanong "Lim" at dalawa pang lalaking may lahing Intsik ang posible umanong nasa likod ng pagpatay.
Kasalukuyan na ring pinaghahanap ang tatlong suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente, ayon na rin sa Israeli police.
Sumasailalim na sa kasalukuyan ang katawan ni Michelle sa isang awtopsiya sa National Forensic Medicine Institute sa Tel Aviv, Israel bago maibalik dito sa bansa.
Nagtungo si Michelle sa Israel noong May 2005 upang mag-alaga ng isang matandang babae bago ito napaslang. (Arnel Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended