^

Bansa

JI reresbak!

-
Nangangamba ang Malacañang sa posibleng pagganti ng mga loyal supporters ni dating Iraqi President Saddam Hussein tulad ng Jemaah Islamiyah (JI) dahil sa ginawang hatol na bitay sa pamamagitan ng bigti sa nasabing lider.

Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, posibleng gumawa ng hakbang ang mga JI bilang simpatya sa sinapit na sentensiya ni Saddam mula sa Iraqi High Tribunal.

Dahil dito, hiniling ni Presidential Chief of Staff Mike Defensor sa mga awtoridad na maging alerto sa magiging reaksyon ng mga teroristang JI na umano’y nasa Mindanao.

"They may cause problem, they may cause situation for us, but of course our security officers are aware of this at bantay-sarado sila sa mga pangyayaring ito," wika pa ni Sec. Defensor.

Ipinaliwanag pa ni Defensor, wala siyang nakikitang magiging problema sa mga Filipino Muslim pero ang dapat aniyang tutukan ng mga awtoridad ay ang mga teroristang JI na maaaring makisimpatiya sa naging desisyon ng korte kay Saddam.

Bukod kay Saddam, hinatulan din ng kamatayan sa pamamagitan ng bigti ang kanyang half-brother at dating intelligence chief na si Barzan Ibrahim at si Awad Hamed al-Bandar na dating pinuno ng Revolutionary Court.

Ibinaba kamakalawa ni Chief Judge Raouf Abdul-Rahman ang hatol kay Saddam dahil sa kaso nitong crimes against humanity.

Binigyan ng korte ng 10 araw ang kampo ni Saddam para umapela habang ipapatupad ang hatol na bitay 30 araw pagkatapos pag-aralan ang isasampang petisyon. (Lilia Tolentino)

vuukle comment

AWAD HAMED

BARZAN IBRAHIM

CHIEF JUDGE RAOUF ABDUL-RAHMAN

FILIPINO MUSLIM

IRAQI HIGH TRIBUNAL

IRAQI PRESIDENT SADDAM HUSSEIN

JEMAAH ISLAMIYAH

LILIA TOLENTINO

SADDAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with