Rest room sa highways giit itayo
November 5, 2006 | 12:00am
Iginiit ni Southern Leyte Rep. Roger Mercado sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng rest areas sa lahat ng mga highways sa bansa dahil ang kawalan ng rest rooms ang isa sa dahilan ng mga aksidente sa maraming highways sa bansa.
Sa kanyang House Bill 5804, ipinaliwanag ni Mercado na libu-libong kilometro ang mga highways sa bansa na kalimitan ay makikipot naman kaya walang lugar para sa mga motorista na makapag-park para sa emergency.
Napipilitan aniya ang mga motorista na tumigil na lang kahit saang lugar sa highways tuwing iihi.
"Because of the limited width of the highway, the parked vehicles cause only obstruction on the roadway but accidents as well," paliwanag ni Mercado.
Hindi rin aniya magandang tingnan at "unsanitary" ang ginagawang pag-ihi ng mga drivers sa lansangan na posible pang maholdap sa mga highways sa tuwing sila ay humihinto.
Kung ganap na magiging batas, ang pondo para pagpapatupad ng panukala ay idadagdag sa general appropriations ng DPWH. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest