Sa kanyang reklamong Gross Negligence, Dereliction of Duty, Dishonesty and Abuse of Authority with prayer for preventive suspension laban kay Calixto, isinangkot din ni Pasay City Brgy. Chairman Garry Ortega si Councilor Richard Advincula.
Sa complaint-affidavit na isinampa sa OP, ibinunyag ni Ortega na inaprubahan umano ni Calixto ang pagpapalabas ng pondong P100,000 para sa pagbiyahe ni Advincula sa Singapore at pagdalo sa ASEAN Valuers Association Conference kahit walang opisyal na imbitasyon mula sa official organizer nito at kahit wala itong travel authority mula sa DILG.
"Respondent Advincula requested, granted and received a cash advance in the amount of P100,000. Respondent Vice Mayor Calixto approved the said request of cash advance utilizing funds appropriated for the Office of the Vice Mayor," ayon sa complaint-affidavit ni Ortega at giniit na walang kinalaman ang naturang komperensiya sa tungkulin nito noon bilang chairman ng laws and justice committee ng Sangguniang Panglungsod.