137 Pinoy inaresto, dineport ng Malaysia
November 3, 2006 | 12:00am
May 137 Pinoy na inaresto at ikinulong sa Malaysia ang inaasahang darating ngayon sa bansa. Siniguro naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naging maayos ang pagpapauwi sa mga Pinoy, itoy kasunod ng pagkamatay ng dalawang batang Pinoy na ipina-deport sa bansa mula Sabah noong Sept. 29, 2006.
Si Esther Bangcawayan Basir, 13, ay nasawi habang naglalayag ang barkong sinasakyan ng mga deportees dahil sa severe malnutrition at hypoglycemia, habang si Nurhani Nurmi, 3-anyos ay namatay kinabukasan sanhi ng chronic gastroentiris, severe malnutrition at severe pneumonia.
Sinisi ng ilang international NGOs at human rights sector ang kapabayaan umano ng pamahalaan ng Pilipinas at Malaysia sa pagkamatay ng dalawang bata. Hindi umano makatarungan ang pagdetine at "sala-ulang" pag-deport sa mga illegal aliens kaya may namamatay o nagagahasang deportees. (Rose Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest