Pinay sa Brunei lusot sa kulong dahil sa agimat
November 1, 2006 | 12:00am
Nakaligtas sa tiyak na pagkakulong ng mula lima hanggang 15 taon ang isang Pinay domestic helper sa Dubai makaraang iurong kahapon ng isang public prosecutor doon ang kaso nito sa korte nang gawing rason ng una na isang "agimat" o "lucky charm" sa pagbubuntis ang bala na nakuha mula sa kanya noong October 4, 2006 sa Dubai, UAE International Airport.
Batay sa ulat ni Philippine Ambassador to Brunei Darussalam Virginia H. Benavidez sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang nasabing Pinay na hindi pinapabanggit ang pangalan ay nasa pangangalaga ngayon ng Filipino Workers Center doon at hinihintay na lamang ang police clearance nito upang maipapagpatuloy niya ang kanyang pagtatrabaho roon.
Ayon sa ulat, nakuha ng nasabing Pinay ang simpatiya ng public prosecutor nang sabihin nito na isang "agimat" ang nasabing bala na umanoy ibinigay sa kanya ng isang faith healer noong 2002 sa Pilipinas upang siya ay mabuntis.
Nahirapan kasi umano noon na magkaroon ng anak ang nasabing OFW at makaraan ang dalawang buwan mula nang maipagkaloob sa kanya ng faith healer ang nasabing bala ay nabuntis siya.
"A faith healer had given her the bullet as a lucky charm in 2002 when she was then having difficulties getting pregnant. According to her, she got pregnant a couple of months later. Since then, she had kept the amulet wrapped in a piece of her childs clothing. Early this year, when the piece of white cloth wrapped around the bullet became very dirty, she decided to remove the cloth and put the bullet in her wallet instead. She had forgotten about it until her arrest at the Brunei International Airport," pahayag ni Benavidez sa ulat nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest