^

Bansa

P100-M estafa ’di totoo – Quiambao

-
Itinanggi ng dating chairman of the board ng isang private company na ninakawan niya ng P100-milyong pondo ang Star Infrastructure Development Corp. (SIDC) na responsable sa paggawa ng mga tollway.

Sa isang press statement na ipinadala ni Cesar Quiambao, sinabi nito na ang kasong estafa case na isinampa laban sa kanya ay matagal nang naibasura ng piskalya.

Aniya, nais lamang siyang baligtarin at buweltahan ng kanyang mga detractors matapos niyang kasuhan ang mga opisyal ng SIDC ng syndicated estafa. Ang syndicated estafa ay nag-ugat dahil ang Strategic Alliance Development Corp. (STRADEC) ay nagmamay-ari ng 49% share ng SIDC.

Nakasaad din sa statement ni Quiambao na may sapat na ebidensiya na magpapatunay na paninira lamang sa kanyang pagkatao ang muling pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Ikinagulat na lamang nito na noong Hunyo 2005 ay mailipat ang 49% share niya sa STRADEC sa SIDC at 60 % ng STRADEC sa STC sa pangalan ni Robert Wong na isa ring SIDC incorporator. (Doris Franche)

vuukle comment

ANIYA

CESAR QUIAMBAO

DORIS FRANCHE

HUNYO

IKINAGULAT

ITINANGGI

NAKASAAD

ROBERT WONG

STAR INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT CORP

STRATEGIC ALLIANCE DEVELOPMENT CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with