Ito’y kasunod ng paglulunsad ng kauna-unahang transactional machine sa buong mundo, ang G-W@PS (GSIS Wireless Automated Processing System) Kiosk.
"All you need is electricity and a cell phone signal. With the G-W@PS Kiosk, the GSIS can now put up virtual branches in any part of the country," ayon kay GSIS President and General Manager Winston Garcia.
Ang machine na may taas na 55-inch box-type at may 28-inch by 16-inch touch screen monitor, ay pormal na inilunsad sa Camiguin, may 100 kilometro ang layo mula sa GSIS field office sa Cagayan de Oro City.
Ang mga miyembro ng GSIS ay maaari nang mag-aplay ng loan sa pamamagitan ng G-W@PS Kiosk. Ilang minuto lamang ang hihintayin ay makakatanggap ng text message mula sa GSIS at malalaman kung naaprubahan ang kanilang loan application at dito ay maaari na silang mag-withdraw sa ATM machines
Iginiit pa ni Garcia na ang GSIS ay ang kauna-unahang institusyon sa buong mundo na may ganitong makabagong teknolohiya. Tanging finger print lamang ang gagamitin ng nais na mag-transact dito pangunahin na ang mga nagnanais na mag-loan na kung saan nakalagay naman sa screen monitor ang anumang transaksyon na kanilang isasagawa. (Rudy Andal)