Teachers wag obligahin sa poll duties
October 27, 2006 | 12:00am
Nagpahayag ng suporta kahapon si Alliance of Volunteer Educators (AVE) Party-list Rep. Eulogio "Amang" Magsaysay sa planong full automation ng eleksyon upang malibre ang mga guro sa tungkulin sa halalan. Sinabi ni Magsaysay na sa automated na halalan ay hindi na ma-oobliga ang mga public school teachers na gumanap ng tungkulin sa eleksyon at sa halip, maaari na lamang silang magboluntaryo kung gusto nila. Ang panukalang automation ng halalan ay nakasaad sa ipinasang Senate Bill 2231 o ang Automated Election System Act of 2006. Sa pagpapatibay ng ganitong batas, sinabi ni Magsaysay na kaunting guro na lamang ang kakailanganin para tumao sa mga polling places at ang gawain nilay boluntaryo at hindi sapilitan. Ayon kay Magsaysay, simula pa noong una ay sobra nang inabuso ang mga guro sa paglalagay sa kanila sa mahirap na gawain sa halalan.
Si Magsaysay ay nauna nang umakda ng panukalang batas (HB 2864) laban sa exploitation ng mga guro sa panahon ng eleksyon. Tinuran ni Magsaysay na kamakailan, ang mga sundalo ng AFP ay nilimitahan na lamang ang gawain sa mga eleksyon upang maiwasan gamitin sila sa mga iregularidad, tulad ng pandaraya sa eleksyon. Dapat din aniyang gawin ito sa mga guro. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended