^

Bansa

Con-Ass niluluto na

- Malou Escudero, Lilia Tolentino -
Kahit ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon para sa People’s Initiative, wala pa ring balak isantabi ng Palasyo ang pagsusulong ng Charter change sa pamamagitan naman ng Constitutional Assembly o Con-Ass.

Nanindigan si Pangulong Arroyo na ang Chacha ang susi para maging first world ang Pilipinas sa loob ng 20 taon. Hindi anya uusad ang bansa kung patuloy na mananaig ang maruming uri ng pulitika na nangyayari ngayon.

Pero hindi na makikilahok ang gobyerno sa paghahain ng motion for reconsideration at ipinauubaya na niya sa Sigaw ng Bayan at Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang pagsasampa nito.

Sa ngayon, ang Con-Ass ang siyang nakikitang huling option ng administrasyon at ito ang magiging top agenda ng Lakas party sa gagawing national convention sa November 6.

Pinaninindigan ni House Majority Leader Prospero Nograles na ang Con-Ass ang sagot sa mga problemang kinakaharap ng bansa.

"I do not think we can or should lose twice on the same issue as it is needed badly by our country. Time may be against us but we will give it our best shot!" ani Nograles.

Una nang inihayag ni Nograles na ang people’s initiative o Con-Ass, ang siyang pamamaraan na kanilang napipili para sa Chacha at umaasang mananalo sila sa isa sa mga ito.

Binigyan-diin pa nito na mali umano ang oposisyon matapos ihayag na kaya nais ng administrasyon na magkaroon ng Chacha at mabuwag ang Senado ay dahil sa maliit na tiyansa ng mga administration candidates na manalo sa Senate seats batay na rin sa lumabas sa survey.

Umapela naman ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa Kamara na huwag ituloy ang plano nitong i-convert ang sarili bilang Constituent Assembly dahil magmumukhang "lutong macao" dahil mas marami ang miyembro sa Kongreso na maka-administasyon.

Iginiit ng CBCP na kung hindi nito mahihinto ang Chacha train ay pinapanalangin nitong idaan na lamang sa Constitutional Convention ang pagbabago sa Saligang Batas. (May ulat ni Grace dela Cruz)

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CHACHA

CON-ASS

CONSTITUENT ASSEMBLY

CONSTITUTIONAL ASSEMBLY

CONSTITUTIONAL CONVENTION

HOUSE MAJORITY LEADER PROSPERO NOGRALES

KORTE SUPREMA

NOGRALES

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with