Ayon kay Jesuit priest Romeo Intengan, ang pagkuha ng dagdag na CAFGUs at pag-aarmas sa mga civilian volunteers ay kailangang-kailangan upang malinis na ang bansa mula sa mga rebeldeng grupo na nagnanais na maghasik ng grupo.
Ang mga komunidad na nalinis mula sa mga NPA ay dapat na magkaroon ng kakayahang ipagtanggol ang kanilang miyembro mula sa ibat ibang uri ng harassment.
Kamakailan ay ipinahayag din ng mga opisyal ng mula sa Armed Forces at local governments na mayroong recruitment ng 3,000 bagong sundalo at 8,000 militiamen upang palawakin ang kampanya ng pamahalaan laban sa communist insurgency.
Binigyan diin din ni Intengan na hindi mangyayari ang kinatatakutan ng publiko na muling bumalik ang pang-aabuso ng civilian volunteers tulad noong rehimeng Marcos. (Doris Franche)