^

Bansa

P50-M donasyon ni MJ sa AFP housing

-
Naglaan ng P50 milyong piso si dating Manila Rep. Mark Jimenez para sa housing project ng mga sundalo ng Philippine Army upang lalo pang mapalakas ang kanilang puwersa at mapataas ang morale ng mga ito habang isinasakatuparan ang kanilang paglaban sa masasamang elemento sa bansa.

Ang paunang donasyon na P5 milyon ay ipinagkaloob ni Jimenez kay Army chief Lt. Gen Romeo Tolentino sa punong tanggapan ng Army sa Fort Bonifacio.

Ayon kay Army Spokesman Major Ernesto Torres Jr., ang nasabing halaga ay gagamitin sa pagbibigay ng suporta sa Kawal Kalinga Project site sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.

Makikinabang sa naturang halaga ang mga sundalong may malaking naiambag sa bansa na hindi nakapagtayo ng sariling bahay.

Sa kasalukuyan, ang Kawal Kalinga project ay nangangailangan ng pondo dahil ang pagpopondo rito ay karaniwang nanggagaling sa mga principal sponsor ng programa kaya malaki anya ang halagang naipagkaloob ni Jimenez sa Army.

Ayon kay Jimenez, patuloy ang kanyang paglilibot sa iba’t ibang sulok ng bansa upang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap. Iginiit pa ni Jimenez na hindi kailangang maging isang pulitiko para tumulong sa kapwa. (Joy Cantos)

ARMY SPOKESMAN MAJOR ERNESTO TORRES JR.

AYON

FORT BONIFACIO

FORT MAGSAYSAY

GEN ROMEO TOLENTINO

JIMENEZ

JOY CANTOS

KAWAL KALINGA

KAWAL KALINGA PROJECT

MANILA REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with