^

Bansa

Mass blood donation vs dengue inilunsad

-
Dahil na rin sa layuning makatulong sa pagsugpo ng paglaganap ng sakit na dengue sa bansa kung kaya naglunsad ng ‘series of mass blood donation drives nationwide’ si BUHAY Party-list Cong. Christian Seneres.

Ang proyekto ay tinawag na "Buhay mo Sagot Ko" kung saan katuwang ni Seneres ang Philippine National Red Cross (PNRC) at Councilor Ariel S. Arceo ng Guiguinto, Bulacan.

Sa isinagawang ‘blood donation’ sa Baliuag University at Bulacan State University kamakailan, sinasabing magbibigay ng sapat na supply ng dugo na maaring gamitin para sa ‘blood transfusion’ sa mga biktima ng dengue na nasa ibat-ibang hospital sa nasabing lalawigan.

Pinasimulan ni Seneres sa Bulacan ang programa dahil sinasabing ‘critical’ ang nasabing probinsiya makaraang makapagtala ng pinakamataas na bilang ng dengue cases sa Central Luzon ngayong taon.

Sa rekord ng Region 3 Epidemiology and Surveillance Unit, lumilitaw na ang Bulacan ang may pinakamataas na bilang na sakit na dengue na may kabuuang 814; Nueva Ecija, 482 cases; Pampanga, 472 cases mula Enero-Setyembre taong kasalukuyan.

Ang PNRC at BUHAY Party-list ang nangungunang tumutulong ngayon sa mga pasyente na may sakit na dengue sa bansa. (Mer Layson)

BALIUAG UNIVERSITY

BULACAN

BULACAN STATE UNIVERSITY

CENTRAL LUZON

CHRISTIAN SENERES

COUNCILOR ARIEL S

EPIDEMIOLOGY AND SURVEILLANCE UNIT

MER LAYSON

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with