Sinabi ni Solicitor General Eduardo Nachura na magtutungo sila ngayon sa CA upang isumite ang kanilang komento at oposisyon sa nabanggit na ruling na humarang sa pagsuspinde kay Binay.
Nanindigan si Nachura na hindi umakto ng ilegal si DILG Sec. Ronaldo Puno nang isilbi ang suspension order habang si Executive Secretary Eduardo Ermita naman na nagpalabas ng suspension order ay hindi rin ilegal dahil saklaw pa ito ng kapangyarihan ng Pangulo.
Iginigiit pa ni Nachura na hindi isang parusa ang pagsuspinde kay Binay bagkus ito ay paraan ng Palasyo upang maiwasang magamit ang impluwensiya ng alkalde habang iniimbestigahan ng DILG ang reklamo ukol sa umanoy pagkakaroon nito ng ghost employees. (Ludy Bermudo)