^

Bansa

TRO kay Binay iaapela ngayon

-
Iaapela ngayong araw ng abogado ng gobyerno sa Court of Appeals (CA) na bawiin nito ang pagkakaloob ng 60-day temporary restraining order (TRO) kay Makati Mayor Jejomar Binay.

Sinabi ni Solicitor General Eduardo Nachura na magtutungo sila ngayon sa CA upang isumite ang kanilang komento at oposisyon sa nabanggit na ruling na humarang sa pagsuspinde kay Binay.

Nanindigan si Nachura na hindi umakto ng ilegal si DILG Sec. Ronaldo Puno nang isilbi ang suspension order habang si Executive Secretary Eduardo Ermita naman na nagpalabas ng suspension order ay hindi rin ilegal dahil saklaw pa ito ng kapangyarihan ng Pangulo.

Iginigiit pa ni Nachura na hindi isang parusa ang pagsuspinde kay Binay bagkus ito ay paraan ng Palasyo upang maiwasang magamit ang impluwensiya ng alkalde habang iniimbestigahan ng DILG ang reklamo ukol sa umano’y pagkakaroon nito ng ghost employees. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BINAY

COURT OF APPEALS

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

IAAPELA

IGINIGIIT

LUDY BERMUDO

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

NACHURA

RONALDO PUNO

SOLICITOR GENERAL EDUARDO NACHURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with