Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Carlo Llave, chairman ng Outdoor Advertising Association of the Philippines (OAAP) na nagkasundo sila ng Advertising Board of the Philippines (ADBOARD) at iba pang miyembro ng organisasyon na huwag ng tanggapin ang mga kontrata sa outdoor advertisements kung hindi tumutugma sa patakaran at alituntuning isinasaad sa batas.
Bagamat aminado ang naturang grupo na malaki ang nalugi sa kanilang industriya mula nang simulan ng DPWH at MMDA ang pagbabaklas sa mga billboards, kinakailangan aniya na suportahan nila ang kampanya ng pamahalaan na makontrol at maisaayos ang paglalagay ng mga billboards.
Isa anila ito sa paraan upang maipakita nila sa pamahalaan ang pakikiisa at pagsuporta sa kampanya para na rin matiyak ang kaligtasan ng publiko at ari-arian. (Angie dela Cruz)