^

Bansa

DOJ pinasalamatan sa P100M estafa vs gov’t contractor

-
Pinasalamatan ng mga opisyal ng Star Infrastracture Development Corp. (SIDC) si Justice Secretary Raul Gonzales sa direktiba nito sa Pasig Prosecutors Office na madaliin ang resolusyon sa P100 million estafa case na kanilang isinampa laban sa dati nilang kasamahan sa korporasyon.

Ayon kay SIDC Administrative and General Affairs Officer Louie Turgo, mas lalo silang magpupursiging ihanda ang mga ebidensiya laban kay Cesar Quiambao na inaakusuhan nilang "nagpadugo" sa kanilang kompanya.

Sinabi ni Turgo na mahalagang mapanagot si Quiambao sa umano’y paggamit nito sa pondo ng SIDC para sa pakinabang ng mga sarili nitong korporasyon.

Tahasang sinabi ni Turgo na mistulang "systematic plunder" ang ginawa ni Quiambao sa SIDC funds na naging sanhi ng pagkaubos ng pondo nito.

Naniniwala si Turgo na malaking tulong ang kautusan ni Gonzales para mas mabilis nilang makamit ang hustisya laban kay Quiambao.

ADMINISTRATIVE AND GENERAL AFFAIRS OFFICER LOUIE TURGO

AYON

CESAR QUIAMBAO

GONZALES

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALES

NANINIWALA

PASIG PROSECUTORS OFFICE

PINASALAMATAN

QUIAMBAO

STAR INFRASTRACTURE DEVELOPMENT CORP

TURGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with