^

Bansa

GMA ginagamit sa text scam

-
Isang text scam ang kumakalat ngayon kung saan ginagamit ang isang pekeng foundation na nagtataglay ng pangalan ni Pangulong Arroyo.

Isang Atty. Eduardo Gosalez na diumano’y auditor ng PGMA Charity Foundation ang nagkakalat ng text ngayon na nagsasabing nanalo ang numero ng cellular phone user ng P950,000 bilang second prize at pagkatapos ay hihilingin na siya ay tawagan sa numerong 0916-2888685 upang malaman kung paano makukuha ang naturang premyo.

Nadiskubre ang bagong text scam na ito pagkaraang alamin ng isang residente mula sa Mabalacat, Pampanga sa Office of the First Gentleman kung totoong mayroong Atty. Gosalez at PGMA Charity Foundation.

Isa ring nagpakilala namang Sec. Manuel Manding mula sa pekeng foundation ang nag-iikot sa parehong istilo. Sinasabi ng umano’y Sec. Manding na ang SIM card number ng cellphone user ay nanalo ng P680,000 sa ilalim ng DTI promotion number 0010 at kailangang tawagan siya sa 0920-3079924 para sa mga detalye kung paano makukuha ang premyo.

Binigyang-diin ni OFG Chief of Staff Undersecretary Juris Soliman na peke ang PGMA Charity Foundation at walang sinumang awtorisadong gumamit ng pangalan ni Pangulong Arroyo. (Lilia Tolentino)

BINIGYANG

CHARITY FOUNDATION

CHIEF OF STAFF UNDERSECRETARY JURIS SOLIMAN

EDUARDO GOSALEZ

GOSALEZ

ISANG ATTY

LILIA TOLENTINO

MANUEL MANDING

OFFICE OF THE FIRST GENTLEMAN

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with