Ginamit na ebidensiya ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsusulong ng kaso ang mga sworn affidavits nina 1Lt. Lawrence San Juan, 1Lt. Patricio Bumidang at Lt. JG Kiram Sadava hinggil sa partisipasyon ng mga suspek sa kasong rebelyon na may parusang life imprisonment.
Gayunman, natanggal sa listahan ng mga kakasuhan sina Sen. Panfilo Lacson, Sen. Rodolfo Biazon, dating Gov. Oscar Orbos at Peping Cojuangco dahil patuloy pa umanong nangangalap ng ebidensiya na magdidiin sa kanila.
Kasama sa charge sheet sina Honasan, ex-Ambassador Roy Señeres at Council of Philippine Affairs (COPA) sec-gen Pastor "Boy" Saycon, businessman Don Pepe Araneta at Jaime Regalario.
Kabilang din sa listahan ang 21 officials at officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na sina Maj. Gen. Renato Miranda, B/Gen. Danilo Lim, Col. Ariel Querubin, Col. Orlando de Leon, Col. Januario Caringal, Lt. Col. Armando Banez, Lt. Col. Custodio Parcon, Lt. Col. Achilles Segumalian, Lt. Col. Nestor Flordeliza, Lt. Col. Edmundo Malabanjot, Maj. Jason Laureano, Maj. Jose Doctolero, Maj. Oriel Pangcog, Capt. James Sabagan, Capt. Dante Langkit, 1Lt. Angelbert Gay, 1Lt. Nathaniel Rabonza, 1Lt. Sonny Sarmiento, 2Lt. Aldrin Baldonado, San Juan at Bumidang; at mga pulis na sina Chief Supt. Marcelino Franco, Sr. Supt. Benjamin Magalong.
Gayundin ang 4 miyembro ng CPP-NPA, 11 iba pang sibilyan na sina Atty. Roberto Pulido, Atty. Christopher Belmonte, Cristina Antonio alyas Friday, Betina Balderama alias Angie, Michael Yangson, Renato Constantino, Mauie Constantino, Prudencio Nemenzo, Jess Fernandez, Allan Paje at Jay Malajacan.
Pag-aaralan ng prosecution ang mga isinumiteng 55 pahinang dokumento ng PNP at NBI at bubuo ng 5-man panel para sa agarang pag-usad ng kaso.