Sa 31-pahinang desisyon ng Special Fifth Division ng CA, nagkamali umano si Judge Romeo Barza ng Makati RTC nang paboran nito ang petition for corporte rehabilitation plan ng Pacific Plans noong Abril 7, 2005.
Nabatid na noong Abril 27, 2006 naglabas ng desisyon si Barza na pabor sa Pacific Plans dahilan para umapela ang PEP sa CA. Si dating Manila Congressman Mark Jimenez naman ang tumulong pinansiyal sa plan holders para ilaban ang kaso sa CA.
Nakasaad sa CA decision na kung kaya ng Pacific Plans na magbigay ng bonuses, advances at komisyon sa mga agents nito at empleyado, itoy patunay na may pera ang naturang insurance firm at kayang panagutan ang obligasyon nito hanggang 2014. Binanggit din ang kakayanan ng Pacific Plans na makapagbigay ng dividends sa mga stockholders nito, base na rin sa findings ng Securities and Exchange Commission (SEC).
"With these opinions laid down by SEC in its pleadings, it would seem that Pacific Plans is not suffering from any liquidity problems, thus, making the Petition for Rehabilitation completely bereft of merit," saad ng CA. (Lordeth Bonilla)