Tiniyak kahapon ni Justice Secretary Raul Gonzales ang deportasyon ni Sovie Istiada Oemar makaraang iharap ito sa Department of Justice.
Sinabi ni Sec. Gonzales, agad na pababalikin sa Indonesia si Sovie sa sandaling matapos ang interogasyon dito ng militar sa loob ng 3 linggo.
Inamin din ni Sovie sa kalihim na miyembro din siya ng JI pero hindi naman ito puwedeng kasuhan dahil lamang sa pagiging asawa ng terorista.
Tanging paglabag sa Immigration law ang puwedeng ikaso kay Sovie dahil pumasok ito sa bansa na walang kaukulang dokumento.
Nahuli si Sovie ng mga tauhan ng Bureau of Immigration noong Oktubre 3 sa Zamboanga dahil wala itong maiharap na travel documents. (Grace dela Cruz)