Bagong PM ng Thailand darating sa Pinas
October 10, 2006 | 12:00am
Matapos mailuklok sa puwesto sa pamamagitan ng matahimik na kudeta sa gobyerno ni dating Prime Minister Thaksin Shinawatra ay nakatakdang bumisita sa bansa ngayong buwang ito ang bagong Prime Minister ng Thailand.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Luis Cruz, ang bagong Thai Prime Minister na si Surayud Chulanont ay dadalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Commemorative Summit sa darating na Oktubre 30 hanggang 31 sa bansa.
Sinabi ni Cruz, ang nalalapit na pagbisita sa Pilipinas ng 63-taong gulang na si Chulanont ay bahagi ng protocol ng isang head of state bilang isang bansang kasapi ng ASEAN.
Tulad aniya ng Pangulong Arroyo, bumisita rin siya sa Thailand noong pormal siyang umupo bilang bagong Chief Executive ng Pilipinas noong 2001.
Si Chulanont ay nailuklok sa kapangyarihan sa pamamagitan ng bloodless military takeover. Sinasabing iginagalang ng buong hanay ng militar sa Thailand si Chulanont at maging ng ibat-ibang civilian leaders. (Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended