Leakage sa test 1, 2 sisilipin muna ng NBI

Naantalang pagpapalabas ng resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa sinasabing leakage sa nakaraang nursing board exam dahil sa bagong development sa kaso kung saan ay sinasabing may leakage din sa test 1 at 2.

Sinabi ni Atty. Elfren Meneses, chief ng anti-fraud and computer crimes division ng NBI, naantalang ang pagpapalabas nila ng resulta sa imbestigasyon dahil sa testimonya ni Prof. Rene Tadle ng University of Sto. Tomas na may 5 examinees mula sa Nueva Ecija, Tarlac at Baguio City ang nagpalabas ng kanilang sinumpaang-salaysay na nag-uugnay sa Manila-based review center sa ‘leakage’ sa test 1 at 2.

Base sa sinumpaang-salaysay, may 50 mga tanong ay ‘nag-leak’ mismo sa araw ng examination kaya’t kailangang pag-aralan ngayon ng gobyerno kung dapat magkaroon ng re-take mula test 1 hanggang 5.

Si Tadle ay isa sa mga petitioners sa Court of Appeals tungkol sa nursing test scam. (Gemma Garcia)

Show comments