Senior citizens 1-week namuno sa Caloocan

Nagpasalamat si Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri sa mga senior citizen na nakibahagi sa ginanap na "Elderly Week 2006" dahil sa pagbibigay sa kanila nito ng atensiyon at importansiya.

Sa launching ng nasabing programa noong Lunes, nagkaroon ng turn-over ang lahat ng department heads sa mga senior citizen na pansamantalang uupo bilang pinuno ng bawat departamento sa loob ng isang linggo.

Isa sa mga senior citizen na si Mrs. Milagros Villanueva ay nagsabi na naging masaya sila sa ibinibigay na atensiyon sa kanila ng alkalde.

Si Mrs. Villanueva na umupo bilang hepe ng Public Information Office noong Miyerkules ay nagsabi pa na pinapahalagahan nila ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataon upang malaman ang mga trabaho ng lokal na pamahalaan at idinagdag pa nito na ito ay kauna-unahang naganap sa ating bansa.

Nagpasalamat din ito sa City’s Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) na siyang naging punong abala sa proyekto. Sinabi naman ni Echiverri, ang programang ito ay isang paraan upang bigyan ng halaga ang ating mga senior citizen dahil sa kanilang mga naibigay na kontribusyon sa pagsulong at pag-unlad ng Caloocan.

Show comments