^

Bansa

GRO sinapak ng bgy. chairman

-
Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang isang barangay chairman na malapit na tauhan ni acting Pasay Mayor Allan Panaligan makaraang sapakin nito ang isang mestisahing guest relation officer (GRO) sa loob ng night club habang kaharap mismo ng mga pulis noong Sabado ng gabi sa nasabing lungsod.

Base sa nakalap na impormasyon ng PSN, nagtungo ang grupo ng mga barangay chairman kasama si P/Insp. Rodolfo Panaligan at ilang pulis sa Miss Universal Night Club sa kahabaan ng FB Harrison, Pasay City.

Si Insp. Panaligan na pamangkin ng nabanggit na acting mayor at itinalagang hepe ng Pasay City Hall detachment ay kasama ng mga barangay chairman at ilang pulis na umokupa ng VIP room sa nabanggit na club at umorder ng maiinom, pulutan at kumuha ng ilang GRO.

Dahil mga lango na umano sa alak kaya madaling napikon ang isang barangay chairman na nakilala sa alyas Langub sa biro ng isang GRO kaya dalawang beses nitong sinapak sa mukha ang babae sa harap pa mismo ni Insp. Panaligan.

Sa kahihiyan at takot ng GRO ay napahagulgol ito ng iyak at nagmamadaling bumaba habang nakamasid naman ang ilang security guard at tauhan ng nasabing club.

Upang hindi lumaki ang isyu na nasaksihan din ng ilang pulis ay kinausap na lang ng mga tauhan ng nabanggit na club ang GRO na babayaran ang danyos ng barangay chairman.

Sinikap naman kunin ng PSN ang panig ni Langub at Panaligan, subalit hindi ito mahagilap sa kanilang opisina. (Mario D. Basco)

vuukle comment

BASCO

LANGUB

MARIO D

MISS UNIVERSAL NIGHT CLUB

PANALIGAN

PASAY CITY

PASAY CITY HALL

PASAY MAYOR ALLAN PANALIGAN

RODOLFO PANALIGAN

SI INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with