Sa 7-pahinang liham ni Atty. Saguisag, legal counsel nina Philcomsat Holdings Corp. directors Philipp Brodett at Atty. Luis Lokin, kay Senate President Manuel Villar Jr., dapat silipin ng Ethics ang inasal na pagiging "abugado" ni Sen. Enrile para sa Philippine Communication Satellite Corp. (Philcomsat) at Philippine Overseas Telecommunications Corp. (POTC) sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on government corporations.
Ayon kay Saguisag, bagamat nagboluntaryong mag-inhibit si Enrile sa imbestigasyon dahil nakaupong board ng director ang kanyang anak na si Katrina na may-ari ng 6.6 percent shares sa Philcomsat at POTC, ay halos mamonopolyo nito ang isinagawang imbestigasyon at naglabas pa ng "illegally acquired" documents matapos pasukin ang opisina ng PHC noong Sept. 15.
Ipinunto ni Saguisag na posibleng nalabag ni Enrile ang section 14 ng Article 6 ng Konstitusyon kung saan ay pinagbabawal ang sinumang miyembro ng Senado na maging counsel sa anumang korte o administrative body o quasi-judicial body. (Rudy Andal)