^

Bansa

Suplay ng manok kukulangin sa Pasko

-
Kukulangin ang suplay ng manok sa bansa sa panahon ng kapaskuhan dahil sa naging epekto ng bagyong Milenyo sa industriya ng manukan sa bansa, pahayag ni Agriculture Secretary Domingo Panganiban.

Ayon sa Kalihim, inaasahang mag-aangkat ang bansa ng may 3 milyong kilo ng manok sa mga dayuhang bansa partikular sa Singapore upang hindi dumanas ang Pilipinas ng pagkakapos ng suplay ng manok sa holiday season.

May lokal na produktong manok anya ang bansa pero hindi ito sapat para sa tumataas na pangangailangan ng bansa sa manok lalu na sa Disyembre.

"Sa buwan ng Disyembre at Enero ang importation na gagawin natin sa produktong manok para ‘di dumanas ng pagkakulang ang bansa sa manok," sabi ni Panganiban.

Sinabi ni Panganiban na hanggang Nobyembre na lamang aabot ang imbak na manok sa bansa.

Wala naman anyang kakapusan sa suplay ng karne ng baboy, baka at iba pang produktong pang-hayupan dahilan sapat ang suplay nito sa pangangailangan ng bansa dahilan sa hindi naman anya ito naapektuhan ng naturang bagyo. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

AGRICULTURE SECRETARY DOMINGO PANGANIBAN

ANGIE

AYON

BANSA

CRUZ

DISYEMBRE

ENERO

KALIHIM

MANOK

PANGANIBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with