5,700 US troops sabak sa war games

Aabot sa 5,700 sundalong Amerikano ang mapapasabak kasama ng humigit kumulang sa 2,000 kagawad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pinagsanib na malawakang "war drill" na kinapapalooban ng live-fire exercises, amphibious landings at ship interdictions sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi ni Navy Public Office chief Commander Giovanni Bacordo, kabilang ang Hukbong Dagat sa isasalang sa war drill partikular na ang kanilang unit na Phil. Marines na magsisimula mula Oktubre 16-31.

Hindi gaya ng nakalipas na pagsasanay sa Mindanao, ang gaganaping war exercises ay hindi naka-sentro sa pakikipagdigma laban sa terorismo kundi nakatutok sa mga routine drills upang mapaunlad ang kapabilidad ng dalawang hukbo sa magkasanib na operasyon.

Umaasa si Marine spokesman Col. Ariel Caculitan na malalantad at mahahasa pa ang kasanayan ng tropang Pinoy sa makabagong istilo sa pakikidigma at paggamit ng mga modernong armas ng US forces. (Joy Cantos)

Show comments