Tipid-gas gadget pinepeke
October 2, 2006 | 12:00am
Nananawagan ang Filipino inventor ng Tipid-gas gadget sa mga motorista at publiko laban sa mga imitasyon ng kanyang produkto matapos itong makatanggap ng maraming ulat na pinepeke umano ang kanyang imbensyon. Sa ipinadalang pahayag ni Pablo Planas, inventor ng Khaos Super Gas Saver, mayroong apat na produkto ang masusing tinututukan ngayon ng Inventionhaus International Corp. (IIC) legal counsel team para sampahan ng kaukulang kaso dahil sa pamemeke at paggaya sa Khaos. "Hindi ako nagtataka kung bakit mas matagumpay ang Khaos ngayon sa ibang bansa dahil doon ay mahigpit sila sa mga pamemeke ng mga imbensyon o produkto, di gaya sa Pilipinas na talamak ang mga imitasyon," ayon kay Planas.
Umapela si Planas sa mga motorista na bumili lamang sa IIC installation areas sa lugar ng President Tower, #81 Timog Avenue, QC; Ortigas Center, Pasig; Alabang Town Center, Muntinlupa at sa mga certified dealers at distributors sa buong bansa. Ang Khaos ay nagdudulot ng katipiran sa konsumo sa gasolina sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang timpla ng hangin sa gasolina upang ito ay masunog ng kompleto at walang masayang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am