^

Bansa

GMA atras uli sa retake

-
Binawi ni Pangulong Arroyo ang pahayag nito na magkakaroon ng retake sa nursing board examination bago dumating ang Disyembre, sa halip ay ipinaubaya sa Supreme Court ang desisyon.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na hindi nabigyang pansin ng Palasyo na mayroon palang nakabinbing petisyon sa Court of Appeals (CA) ang mga pribadong grupo kung saan humihiling na huwag ipatupad ang retake at pigilin ang panunumpa ng mga nakapasang nurse noong June 2006 exam.

Sa naunang pahayag ng Palasyo, sinabi ni Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye na nagdesisyon ang Pangulo na pakuhanin muli ng pagsusulit ang lahat na pumasang nurse upang maibangon ang integridad ng nursing profession.

Unang inihayag ng Pangulo na pabor siyang ulitin ng mga examinees ang test 3 at 5 ng pagsusulit na sinasabing nagkaroon ng dayaan. Gayunman, nagbago ito at pinaboran na lahat ng nakinabang sa leakage ang dapat magretake.

Ngunit dahil mahirap matukoy kung sino sa mga nakapasa ang nakinabang sa leak kaya inihayag kamakalawa ng Pangulo na lahat ng mga nakapasa ay dapat umulit ng board exam samantala may option naman ang mga hindi nakapasa kung saan puwede silang sumabay sa pagkuha ng exam o di kaya’y sa 2007 na.

Sinabi ni Ermita na anuman ang maging desisyon ng Korte sa mga petisyong ito ay susundin ng Pangulo.

Sasagutin ng gobyerno ang gagastusin sa isasagawang retake. (Lilia Tolentino)

vuukle comment

COURT OF APPEALS

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

LILIA TOLENTINO

PALASYO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

PRESS SECRETARY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with