^

Bansa

Wala pa ring pasok sa eskuwela at govt offices: Pinas lumpo sa bagyo

- Nina Lilia Tolentino, Joy Cantos At Butch Quejada -
Nagtumbahang punong-kahoy, nagliparang mga billboard, bubungan ng bahay at pagkamatay ng ilan nating kababayan ang idinulot ng pinakamalakas na bagyong Milenyo.

Habang sinusulat ang balitang ito, inireport ng National Disaster Coordinating Center na aabot sa 12 katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyo sa Northern at Central Philippines.

Sa Antique, 3 katao ang namatay, kasama ang isang lasing na nahulog sa ilog, isang 9-anyos na lalaki at electrician ayon, kay Acting Gov. Eduardo Fortaleza.

Habang lima naman sa lalawigan ng Quezon.

Sa Metro Manila na isa sa hinagupit ng lupit ni Milenyo,naitala na lima ang napatay nito.

Isa sa Estrella, Makati na nabagsakan ng malaking billboard, samantalang isang security guard naman sa Maynila na nakilalang si Rufino Caigingan ang nabagsakan naman ng puno sa may Ermita, habang sa Quezon City isang ginang naman ang nakuryente sa kasagsagan ng bagyo. Nabatid na tinangkang abutin ng ginang ang natuklap nilang bubong nang makahawak ito sa live wire. Habang dalawa pa ang iniulat na nasawi sa Muntinlupa makaraang mabagsakan ng pader.

Ayon sa ulat ng NDCC, tinatayang aabot sa 60 milyon ang mga ari-ariang winasak ni Milenyo.

Samantala, libong pasahero sa international at domestic airport ang na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport matapos suspendihin ang flights operation sa nasabing lugar.

Sinabi ni MIAA general manager Alfonso Cusi ang Manila Domestic Airport at ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay pansamantalang isinara dulot ng malakas na bagyong si Milenyo kaya lahat ng eroplano pa-take off at pa-landing ay itinigil ang operasyon dakong alas-10:30 ng umaga kahapon.

Habang isinisulat ang balitang ito ay napakadaming pasahero sa Domestic flights.

Idineklara rin ng Malacañang na wala pa ring pasok sa lahat ng level sa mga paaralan sa NCR at maging sa mga government offices dahil na rin sa isinasagawang clearing operation sa mga pangunahing lansangan.

Hardly hit ang Sorsogon at Albay, maging ang Metro Manila na dito idineklara na ang state of calamity. Nagpalabas na rin ng P340 milyon ang pamahalaan bilang calamity fund sa mga naapektuhan ng bagyo.

ACTING GOV

ALFONSO CUSI

CENTRAL PHILIPPINES

EDUARDO FORTALEZA

HABANG

MANILA DOMESTIC AIRPORT

METRO MANILA

MILENYO

NATIONAL DISASTER COORDINATING CENTER

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with