^

Bansa

Hepa C, bagong epidemya

-
Pinangangambahan ngayon ng Department of Health (DOH) na maaaring sumunod na epidemya sa bansa ay Hepatitis.

Ayon kay Dr. Eric Tayag ng DOH National Epidemiology Center, isa ngayon ang Hepatitis sa kinatatakutan dahil 10 beses na mas nakakahawa ito kaysa sa human immunodeficiency virus (HIV) na sanhi ng nakamamatay na AIDS.

Iginiit ni Dr. Tayag na importanteng malaman ng publiko ang iba’t ibang uri ng Hepatitis tulad ng Hepa B at Hepa C na halos walang ipinapakitang sintomas subalit nakamamatay.

Pero mas dapat umanong katakutan ng publiko ang Hepa C, ang silent killer virus na kadalasang hindi nagpapakita ng anumang sintomas dahil halos wala pang nalalaman tungkol dito at wala pa ring bakuna laban rito.

Tulad ng AIDS, makukuha ang Hepatitis sa pamamagitan ng pagsalin ng dugo, paggamit ng mga karayom na infected na ng virus at pagtatalik. Pero nakakahawa din ito kahit sa paggamit ng sepilyo ng carrier ng virus.

Ayon sa DOH na isa sa bawat 10 Filipino ang may sakit na Hepatitis habang sa datos ng WHO, halos 200 milyong katao sa buong mundo ang may Hepa C virus pero karamihan sa mga ito ay hindi alam na infected siya. (Gemma Garcia)

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ERIC TAYAG

DR. TAYAG

GEMMA GARCIA

HEPA B

HEPA C

IGINIIT

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with