Sinabi ng grupong Philippine Transport and General Workers Organization (PTGWO) sa pamamagitan ng pangulo nito na si Victorino F. Balais, ang separate opinion na lamang ni dating SC Associate Justice Ricardo Francisco ang pagbatayan kung saan naniniwala itong sapat na ang nasabing batas upang maamyendahan ang Constitution at maipatupad ang Peoples Initiative.
Una ng naghain ng petition for intervention ang PTGWO sa SC kung saan sinusuportahan ng mga ito ang pagsusulong ng peoples initiative. (Grace dela Cruz)