Samantala, inihayag ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na wala nang magaganap na pagtaas sa pasahe sa lahat ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa partikular sa Metro Manila hanggang matapos ang taon dahil sa patuloy naman ang pagbaba ng halaga ng gasolina sa world market. (Lilia Tolentino/Angie dela Cruz)
Toll fee sa NLEX bababa ng 10% sa 2007
Simula Enero 2007 ay ibababa ng mahigit 10 porsiyento ang singil ng North Luzon Expressway (NLEX) sa toll fee. Inihayag ito ni Pangulong Arroyo matapos aprubahan ng Toll Regulatory Board na pinamumunuan ni Transportation Sec. Leandro Mendoza ang petisyon ng NLEX. Ayon kay Mendoza, ang Class 1 vehicles na dating nagbabayad ng P42 ay magbabayad na lang ng P37.50; Class 2 na dating P106 ay P93.80; Class 3, P127 ay P112.50 na lang. Ang pagbaba ng toll rate ay ipatutupad lang sa NLEX habang mananatili sa dating toll fee ang South Luzon Expressway (SELX) at Coastal Road.