Ayon kay Gonzalez, anumang sasabihin ni Ang, pabor man o laban sa dating Pangulo ay makakaapekto sa kaso.
Gayunman, ayaw ng kalihim na hilingin sa gobyerno ng US na panatilihin pa roon si Ang dahil posibleng mapahiya lamang siya kung hindi ito papaburan ng US.
Kasabay nito ay lumiham si Gonzalez kay Special Prosecutor Dennis Villa Ignacio upang alamin ang magiging hakbang ng piskal sakaling matuloy na nga ang pagbalik sa bansa ni Ang.
Sinabi ni Gonzalez na kabilang sa mga posibleng mangyari kung magsasalita si Ang kaugnay sa kasong punder ay muling mabubuksan ang kaso ng dating Pangulo, magkakaroon ng 2nd trial o di kaya ay maisailalim sa hiwalay na paglilitis matapos madesisyunan ang kaso ni Erap. (Grace Amargo-dela Cruz)