^

Bansa

Contingency plan sa OFWs sa Thailand nakakasa na

-
Naghanda na ang Embahada ng Pilipinas sa Bangkok sakaling gumulo ang sitwasyon sa Thailand na makakaapekto sa seguridad ng may 7,200 overseas Filipino workers doon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), round-the-clock ang pagmo-monitor ng embahada sa Bangkok dahil sa tension pa rin doon matapos ang pang-aagaw ng Thai Army chief sa puwesto kay Prime Minister Thaksin Shinawatra at magdeklara ng Martial Law.

Sinabi ni Foreign Affairs spokesman Ed Malaya na bagaman ang sitwasyon doon ay nananatiling normal o walang anumang karahasan ay nakahanda na ang contigency plan ng gobyerno.

Pinaalalahanan na rin ni Malaya ang mga Pinoy na nagnanais na magtravel o magtrabaho sa Thailand na umiwas munang tumungo doon habang ang mga OFWs sa nasabing bansa ay pinayuhang huwag munang maglalabas at tumungo sa mga matataong lugar para makaiwas sa disgrasya.

Sa ngayon ani Malaya, base sa report ni Phil. Ambassador to Thailand Antonio Rodriguez ay wala pang Pinoy na tumutungo sa embahada upang humingi ng tulong mula nitong Martes matapos ang military takeover. (Ellen Fernando)

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ED MALAYA

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS

MARTIAL LAW

PINOY

PRIME MINISTER THAKSIN SHINAWATRA

THAI ARMY

THAILAND ANTONIO RODRIGUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with