^

Bansa

Findings ng DOH sa Guimaras kinuwestiyon

-
Kinuwestiyon kahapon ng ilang mambabatas ang ulat ng Department of Health (DOH) na mataas ang level ng nakalalasong Hydrogen sulfide sa hangin sa tatlong barangay sa Guimaras dahil sa posibilidad na hindi "accurate" ang ulat.

Ayon kay Akbayan Rep. Loretta Ann Rosales, lumikha ng panic ang ipinalabas na "findings" ng DOH kaugnay sa pagkakaroon umano ng mataas na antas ng toxic fumes dala ng oil spill sa Guimaras na kung paniniwalaan ay dapat nauubos na ang mga tao sa apektadong barangay.

Sa findings ng DoH at UP National Poison Management and Control Center, umaabot ang hydrogen sulfide ng hangin sa bayan ng Cabalagnan sa 537.9 hanggang 2,145 parts per million (ppm) samantalang 13.2 hanggang 165 ppm naman sa La Paz.

Pinanindigan ni Rosales na dapat ay patay na ang mga nagsagawa nang pagsasaliksik at mga residente sa mga barangay Cabalagnan, La Paz, at Tando dahil hanggang 100 ppm level lamang ang pinapayagan sa ilalim ng Immediate Danger to Life and Health (IDHL).

Sinabi ni Rosales na dapat na magsagawa nang pagrerebyu ang mga eksperto sa ginawang ebalwasyon. (Malou Escudero)

AKBAYAN REP

CABALAGNAN

DEPARTMENT OF HEALTH

GUIMARAS

IMMEDIATE DANGER

LA PAZ

LIFE AND HEALTH

LORETTA ANN ROSALES

MALOU ESCUDERO

NATIONAL POISON MANAGEMENT AND CONTROL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with