Trillanes para senador, propaganda lang AFP
September 18, 2006 | 12:00am
Propaganda lamang umano ang planong pagtakbong senador ni Oakwood mutineer Navy Lt. Senior Grade Antonio Trillanes sa 2007 elections. Sinabi ni AFP-PIO Chief Lt. Col. Bartolome Bacarro na bagamat malaya ang sinuman na tumakbo sa anumang puwesto sa gobyerno ay hindi nito malulusutan ang mga kasong kriminal na kinakaharap ni Trillanes.
Inihayag ni Atty. Reynaldo Robles ang planong pagtakbong senador ng kanyang kliyente. Nilinaw ni Bacarro na aktibo pang opisyal si Trillanes at kailangan muna itong magbitiw sa serbisyo bago tumakbo sa anumang posisyon. Sakaling mabigyan ng pagkakataong tumakbo, naniniwala ang AFP na malabo ang tsansa ni Trillanes na magwagi sa halalan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest