^

Bansa

Tita Cory tinanggalan ng bodyguards

-
Tinanggalan na umano ng bodyguards ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si dating Pangulong Corazon Aquino.

Ayon kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, nakakabahala ang ginawang ito sa dating pangulo dahil dapat aniyang protektahan ang isang dating presidente dahil hindi imposibleng may magtangka pa rin sa buhay nito upang ipahiya ang gobyerno.

Sinabi pa ni Cayetano na ang pagbibigay ng seguridad ay makakapigil sa mga nais maghiganti sa isang dating pangulo mula sa kanyang mga naging kalaban noong nakaupo pa siyang presidente ng bansa.

Ipinaliwanag pa ng solon na sa ibang bansa, sapilitan ang pagbibigay ng security sa isang dating pangulo kahit tumatanggi na ito.

Aminado naman si Cayetano na walang batas na nagsasabing dapat bigyan ng security ang isang opisyal ng gobyerno pero nakakapagtaka lamang aniya na puro taga-oposisyon ang tinanggalan ng security.

Noong isang taon pa inalisan ng security si Escudero. Binawi naman ng AFP ang dalawang security ni Cayetano, dalawang buwan na ang nakakaraan.

Samantala, itinanggi ng AFP na inalisan nila ng security escort si Mrs. Aquino. Nilinaw ni AFP spokesman Major Gen. Jose Angel Honrado na nananatiling may security detail na dalawang pulis at isang sundalo kay Ginang Aquino, taliwas umano sa pahayag ng mga kongresista.

Itinanggi rin ng Palasyo ang ulat at sakali mang totoo ay wala anya silang kinalaman dito. (Malou Escudero/Joy Cantos/Lilia Tolentino)

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAYETANO

GINANG AQUINO

JOSE ANGEL HONRADO

JOY CANTOS

LILIA TOLENTINO

MAJOR GEN

MALOU ESCUDERO

MRS. AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with