^

Bansa

Pahirapang pagkubra ng insurance inireklamo

-
Nanawagan kahapon sa Insurance Commission ang isang kompanya ng biskwit na mahigpit nilang ipatupad ang kanilang mga batas at protektahan ang mga insurance policy holders na nakakaranas ng "pahirap" sa pagkuha ng kanilang "insurance claims" mula sa kanilang mga insurers.

Sa reklamo ng Deli Crunch Biscuit Corp., hindi umano ibinigay ang kanilang "insurance claims" ng Paramount Life and General Insurance Corp. na ayon kay Atty. Raymond Anthony Dilag, abogado ng Deli Crunch, ay isa umanong malinaw na paglabag sa "unfair claim settlement practices" na nasasaad sa Insurance Code.

Ipinaliwanag naman ng Paramount na posibleng mayroon umanong "fraud" at "arson" sa panig ng Deli Crunch kaya hindi maaaring ipagkaloob sa kanila ang kanilang insurance claims.

Noong Abril 2004, nasunog ang naka-insured na biscuit factory at naging dahilan upang mapinsala ang kanilang mga kagamitan, makina, stocks, raw materials at mga tapos na nilang produkto. (Mer Layson)

DELI CRUNCH

DELI CRUNCH BISCUIT CORP

INSURANCE

INSURANCE CODE

INSURANCE COMMISSION

MER LAYSON

NOONG ABRIL

PARAMOUNT LIFE AND GENERAL INSURANCE CORP

RAYMOND ANTHONY DILAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with