42 abusadong Lebanese bawal pumasok sa Pinas
September 14, 2006 | 12:00am
Hindi na makakapasok pa ng Pilipinas ang may 42 Lebanese nationals dahil sa pang-aabuso sa mga Pinay domestic helpers. Ayon kay Immigration Commissioner Alipio Fernandez Jr., ang naturang order ay base na rin sa kahilingan ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos mapatunayang nang-abuso ang mga Lebanese sa OFWs na namasukan sa kanila.
Kabilang sa mga reklamo ay sexual molestation, sexual harrassment, rape, pagmamalupit, pananakit, di pagbabayad ng suweldo, pagmamaltrato at pang-aabuso. Nabunyag ang mga pagmamaltrato, pagmamalupit at panghahalay sa mga Pinay matapos ang naganap na mass repatration sa may 7,000 OFWs habang kasagsagan ng giyera sa pagitan ng Hezbollah at Israeli Defense Forces. (Ellen Fernando/Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended