Rollback!
Muling nagbaba ng presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis, ang ikatlong rollback sa loob ng tatlong linggo. Piso kada litro sa gasolina ang ibinawas ng Shell, Petron, Caltex at small players na Flying V, Fil Pride, Sea Oil at UniOil, habang P.50 kada litro naman sa diesel at kerosene. Ang pagbaba ay bunsod ng paglakas ng piso kontra dolyar. (Edwin Balasa)