20% fare discount ng mga estudyante gagawing batas
September 9, 2006 | 12:00am
Upang hindi makaligtas sa pagbibigay ng 20% diskwento sa mga estudyante ang mga drayber ng pampublikong sasakyan, isinulong kahapon ni Party-list Rep. Acmad Tomawis na maging isang ganap na batas ang pagbibigay ng diskuwento.
Ipinaliwanag ni Tomawis na sa kasalukuyan, ang discount na nakukuha ng mga mag-aaral ay resulta lamang ng kasunduan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) at mga transport groups at limitado lamang ito sa mga school days.
Dahil sa kawalan ng batas, kalimitan ay nagkakaroon pa nang pagtatalo sa pagitan ng mga tsuper, konduktor at mga estudyante kaugnay sa discount.
Nais ni Tomawis na maging fixed ang pagbibigay ng 20% discount sa mga estudyanteng sumasakay sa lahat ng uri ng pampublikong sasakyan.
Ang prebilehiyo ay ibibigay din kahit na sa araw ng Sabado, Linggo, holidays, semestral breaks at Christmas vacations.
Pabor din sa panukala ang Maritime Industry Authority (MARINA), MRT, provincial bus operators at airline companies.
Malaking benepisyo aniya sa panig ng mga estudyante kung magiging permanente ang discount na ibibigay sa kanila habang sila ay nag-aaral. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended