Ang pahayag ay ginawa ni Baterina sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Jose Bernas, matapos na maghain ito ng motion sa Supreme Court. Ayon kay Bernas, malaki ang posibilidad na magbayad ng doble ang gobyerno sa Piatco sa halip na $320-M lamang na halaga ng konstruksiyon ng NAIA 3.
Ipinaliwanag ni Bernas na bukod sa P3-B na ibabayad ng Piatco ay maaari rin na magbayad ang gobyerno ng halagang itinakda ng ICC sa Singapore. Kinakailangan din na bayaran ng gobyerno ang kompanyang Takenaka, ang actual builder ng Terminal 3.
Sinabi ni Bernas na dapat i-reimbursed na lamang sa Piatco ang nasabing halaga na ginastos nito sa konstruksiyon ng nasabing paliparan. (Grace dela Cruz)