^

Bansa

Gobyerno doble bayad sa Piatco

-
Binalaan ni Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina ang gobyerno na posibleng magbayad ito ng doble sa Philippine International Air Terminal Company, Inc,. (PIATCO) dahil sa pagsang-ayon nito sa naging desisyon ng International Chamber of Commerce (ICC) kaugnay sa expropriation case ng NAIA Terminal 3.

Ang pahayag ay ginawa ni Baterina sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Jose Bernas, matapos na maghain ito ng motion sa Supreme Court. Ayon kay Bernas, malaki ang posibilidad na magbayad ng doble ang gobyerno sa Piatco sa halip na $320-M lamang na halaga ng konstruksiyon ng NAIA 3.

Ipinaliwanag ni Bernas na bukod sa P3-B na ibabayad ng Piatco ay maaari rin na magbayad ang gobyerno ng halagang itinakda ng ICC sa Singapore. Kinakailangan din na bayaran ng gobyerno ang kompanyang Takenaka, ang actual builder ng Terminal 3.

Sinabi ni Bernas na dapat i-reimbursed na lamang sa Piatco ang nasabing halaga na ginastos nito sa konstruksiyon ng nasabing paliparan. (Grace dela Cruz)

AYON

BATERINA

BERNAS

ILOCOS SUR REP

INTERNATIONAL CHAMBER OF COMMERCE

JOSE BERNAS

PHILIPPINE INTERNATIONAL AIR TERMINAL COMPANY

PIATCO

SALACNIB BATERINA

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with