Ayon kay Sen. Cayetano, chairman ng committee on health and demography, mahalaga ang gamot sa ating bansa kaya lang mayorya ng mga Pinoy ay hindi kaya na makabili ng mga ito dahil na rin sa sobrang mahal ng presyo kaya namamatay sila na hindi nalulunasan.
Inihalimbawa ni Cayetano ang Bactrin, na may generic name na Cotrimoxazole at gawa ng Roche multinational drug firm at ibenebenta ng P14.80 sa 400mg capsule sa ating bansa, pero ang presyo nito sa India ay P0.75 habang sa Pakistan ay P1.09 lamang.
Aniya, ibig sabihin nito ay 1,300% hanggang 1,900% ang taas nito sa atin kumpara sa dalawang bansa. (Rudy Andal)