^

Bansa

Pag-absuwelto ni Satur sa CPP leaders kinondena

-
Kinondena kahapon ng isang grupo si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo sa ginawa nitong pag-absuwelto sa mga lider ng komunista kaugnay sa nadiskubreng mass grave sa Leyte kamakailan.

Ayon kay Fr. Romeo Intengan ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas, may 600 biktima ang inilibing na pinaniniwalaang kagagawan ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP). Iginiit ni Ocampo na imposible itong maiutos nina CPP leader Jose Ma. Sison at Luis Jalandoni dahil nasa kulungan o "exile" sila ng panahong iyon, 20 taon na ang nakalilipas.

Ngunit ayon pa kay Intengan, ang mga nilikidang mga rebelde ay pinaniniwalaang mga government informants at ang mga napapatay na militante kamakalian lamang ay bahagi pa rin ng "paglilinis" sa kanilang hanay na sinasabing nagtraydor sa kilusan. Dahil dito ay hinamon ni Intengan ang human rights group na Karapatan na magpadala ng fact-finding team sa Leyte upang mag-imbestiga sa daan-daang katao na pinaslang dito.

vuukle comment

AYON

BAYAN MUNA REP

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

DAHIL

INTENGAN

JOSE MA

LEYTE

LUIS JALANDONI

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

ROMEO INTENGAN

SATUR OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with